Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID survivor 2M na, 21K bagong positibo

0 48

Sumampa na sa 2,010,271 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos dapuan ng COVID-19 sa bansa, batay sa Department of Health (DOH) bulletin nitong Linggo, Setyembre 12.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 547, nakapagtala ng 25,049 bagong gumaling kung kaya’t sumampa na sa lampas dalawang milyon ang bilang ng mga nakarekober sa virus infection.

May 21,411 bagong kaso naman dahilan para umakyat ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus sa bansa sa 2,227,367.

Nasa 168 indibiduwal ang naitala na bagong nasawi kaya’t umabot na sa 35,145 ang kabuuang namatay dahil sa COVID.

Patuloy naman ang pagtaas ng mga aktibong kaso na nasa 181,951 o 8.2% ng kabuuang kaso sa buong bansa.

Nabatid pa na 58 kaso na unang sinabi na nakarekober ang nakumpirmang namatay pala matapos ang pinal na validation. (Juliet de Loza-Cudia/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.