Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID survivor puwedeng plasma donor – Red Cross

0 77

Hinihikayat ng Philip­pine Red Cross (PRC) ang mga Coronavirus Disease 2019 survivor na maaaring mag-donate ng kanilang blood plasma bilang tugon sa pagsagip sa mga nagka­kasakit sa bansa.

Ayon sa PRC, mataas ang level ng COVID-19 antibodies kaya puwedeng mag-donate ng plasma ang mga nagkaroon at gumaling mula sa coronavirus.

Nilinaw pa ng Red Cross na bukod sa pagsagip sa mga nangangailangan, magkakaroon pa ng ‘kaginhawaan’ ang mga nakapag-donate ng dugo.

Ang PRC Convalescent Plasma Center ay nagsimula ngayong Hulyo kung saan mayroon na silang 444 plasma donors at may­roong limang convalescent plasma machine na kayang mag-accommodate ng limang pasyente. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.