Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID test ng Red Cross matitigil sa PhilHealth utang

0 216

Posibleng suspindihin ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang COVID-testing dahil sa pagkabigo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ang utang sa kanila, ayon kay Senador Richard Gordon.

SM food to go Banner Ad

“Aabot na sa isang bilyon ang utang ng PhilHealth sa Red Cross. Pagkatapos nilang magbigay ng advanced payment na P100 million noon, paunti-unti na lang ang pagbabayad nila,” pahayag ni Gordon, chairman ng PRC, sa panayam sa radyo.

Paliwanag ni Gordon, kung hindi umano babayaran ng PhilHealth ang P700.5 milyon nilang balanse, hindi sila makakabili ng mga test kit para mapalitan ang paubos na nilang mga suplay kaya’t maaaring matigil ang kanilang operasyon sa Maynila. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.