Abante Tonite Interactive

COVID test rekisitos ba sa balik-trabaho?

0 246

Nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na hindi lahat ng empleyado na magbabalik na sa trabaho ay isailalim sa COVID-19 testing.

Ayon kay Vergeire, ang testing ay para lamang sa mga may sintomas ng virus, o hindi kaya’y may known exposure sa taong infected nito.
“Our protocol is to guide employers. We have emphasized that symptomatic screening is ideal, and test only when symptomatic,” paliwanag ni Vergeire.

“IATF resolution stated that in no case shall testing be a condition for a return to work, so we expect that specific agencies shall implement and enforce the IATF resolutions,” giit pa nito.

Ang kailangan ng mga employer, ayon sa guideline, ay ang pagpapatupad ng physical distancing, pagsigurong may face mask ang mga empleyado, paghuhugas ng kamay at maayos na pag-ubo.

Related Posts

Pwede ring gumamit ng mga personal protective equipment base sa trabaho, tulad ng pagsusuot ng face shield para sa mga may face-to-face na trabaho.

Bukod pa dito’y dapat malaman ng mga employer kung may sintomas ba ng virus ang kanilang mga manggagawa.

Kung sakaling mayroon ay kailangan na magpatingin muna ito sa kanilang primary care provider, ay maisyuhan ng Certificate of Quarantine Completion para sa may known exposure at may history ng pagbiyahe. (RP)

Tonite – Wendys Inhouse Ad