Abante Tonite Interactive

COVID test result ng US, 5 minuto lang

616

Mayroon umanong portable test machine ang isang United States based laboratory na kayang makapagbigay ng resulta sa COVID-19 test sa loob lamang ng limang minuto.

Nabatid na ang Abbot Laboratories na binigyan ng US Food and Drug Administration ay pinagkalooban ng emergency authorization para magamit ang test sa susunod na linggo.

Mabatid na ang test ay kasing laki lamang ng maliit na toaster at gumagamit ng molecular technology.

Makikita rin kung negatibo ang resulta sa loob ng 13 minuto.

“The Covid-19 pandemic will be fought on multiple fronts, and a portable molecular test that offers results in minutes adds to the broad range of diagnostic solutions needed to combat this virus,” ayon lay Abbot president and chief operating officer Robert Ford.

Hindi naman inaaprubahan pa ng FDA ang test machine. Inaprubahan lamang ito para sa emergency na pangangailangan para sa mga laboratoryo at healthcare providers.

Tonite – Wendys Inhouse Ad