Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID test sa mga binagyo pang-iwas sa outbreak

0 151

Isasailalim sa antigen testing ang mga biktima ng kalamidad na nasa mga evacuation center para matukoy kung nahawa sila ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa pamamagitan ng antigen test ay mabilis na matukoy at maihiwalay sa iba ang COVID-19 patient, “In place po iyong polisiya ng gobyerno na magbigay ng COVID testing sa mga evacuation centers at ngayon po ang gagamitin para mas marami at mabilis ay ang antigen test sa lahat ng ating mga evacuation centers.”

Kaugnay nito, nanawagan ang OCTA Research Team sa gobyerno na maglunsad ng testing at protocol sa mga evacuation center para masigurong hindi kumalat ang COVID-19 sa mga biktima ng bagyo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.