Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID test sa mga turista, bahala mayor – Sec Berna

0 208

Ipinauubaya na ng Department of Tourism (DOT) sa mga opisyal ng mga lalawigan at lokal na pamahalaan kung ibabalik ang mandatory RT-PCR test para sa mga turistang bibisita sa kanilang lugar.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bahala na ang mga lokal na pamahalaan kung ibabalik nila ang COVID-19 test sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng coronavirus sa nakalipas na ilang araw.

“The protocols are really up to the local government unit. It is the decision of the LGU kung maglalagay sila ng test before travel whether its saliva or swab,” ani Puyat sa isang panayam.

Kasunod ito ng paninisi ng ilang eksperto sa pag-aalis ng mandatory RT-PCR test para sa domestic travel sa layuning muling buksan at pasiglahin ang ekonomiya.

Kinumpirma ni Puyat na ilang lokal na pamahalaan ang alanganin at tutol pang buksan ang kanilang ekonomiya kahit nasa ilalim na sila ng modified general community quarantine (MGCQ). Pakiramdam naman aniya ng ilan ay handang-handa na silang buksan ang kanilang ekonomiya ng hindi na kailangan pa ng anumang COVID test.

Iginagalang naman aniya niya ang desisyon ng mga lokal na pamahalaan lalo pa at halos lahat ng mga ito ay pabor sa COVID test bago ang pagbibiyahe sa ibang lugar. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.