Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID testing, contact tracing may P20B pondo

0 245

May kabuuang P20 bilyon mula sa Bayanihan Law 1, 2 at sa 2021 national budget na puwede umanong gamitin para sa mas agresibo pang mass testing at contact tracing program upang matukoy ang mga COVID-19 carrier at mapigilan ang pagkalat nito.

Inihayag ito ni Senador Francis Pangilinan sa harap ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 dahilan para mapuno ng pasyente ang mga ospital sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

“Ikamamatay natin kung kulang ang testing at contact tracing. Walang kwenta ang pag-lockdown kung hindi mapipigil ang mga bagong pagpupugaran ng virus,” giit ni Pangiinan.

Aniya, mula sa Bayanihan Law 1, may kabuuang P1.91 bilyon ang inilaan sa Department of Health (DOH) para sa pagbili ng mga testing kit. Naglaan naman ng P53 milyon sa Department of Science and Technology (DOST) para sa paggawa ng 26,000 testing kit.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay binigyan din ng P5 bilyon para kumuha ng 50,000 contract tracer.

Mula naman sa 2021 General Appropriations Act, nabigyan din ang DILG ng P1.9 bilyon para sa contact tracing habang P1 bilyon naman para sa RT-PCR cartridge.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.