Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID variant sa PH kumakalat abroad

0 285

Nakapagtala ang Germany, United Kingdom, Japan at Australia ng COVID-19 variant o P.3 na unang nakita sa Pilipinas.

Ayon sa isang eksperto ng University of the Philippines-Manila na si Dr. Eva Maria Cutiongco-de la Paz, executive director ng National Institutes of Health, isang kaso ng P.3 ang naitala sa Germany gayundin sa Japan habang apat naman sa United Kingdom at dalawa sa Australia.

“Meron na rin pong mga kaso na naiulat na galing po sa ibang bansa na may P.3. Isa sa Germany, isa sa Japan, apat sa UK at dalawa sa Australia,” ayon kay de la Paz.

Dagdag niya ang isang kaso ng P.3 variant na nakita sa Germany, Japan, Australia at apat sa United Kingdom ay na-trace sa Central Visayas batay sa isinagawang genome sequencing ng UP Philippine Genome Center.

Ang kaso naman aniya ng P.3 sa Australia ay na-trace sa National Capital Region. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.