Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID variant umaatake kaya maraming kaso kahit lockdown

0 173

Naniniwala si Senador Sherwin Gatchalian na patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil na rin sa mga variant nito.

Sagot ito ng senador nang matanong sa panayam sa kanya sa telebisyon kung bakit mataas pa rin mga kaso ng virus infection kahit hindi na masyadong lumalabas sa kanilang tahanan ang mga tao at may pinapatupad pang curfew sa gabi.

“Sa nakikita ko ito yong tinatawag nating bagong variant. Hindi natin puwedeng ialis itong pangyayari na ito dahil hindi lang naman tayo ang nagsasabi nito. Buong mundo nagsasabi na itong bagong variant ay naging sanhi po ng mabilis na pagkalat,” ani Gatchalian.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang pag-oobserba aniya, noong nakaraang taon ay tumataas ang mga kaso ng COVID-19 subalit mabagal. Ngayong taon aniya ay mabilis ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dahil na rin sa mga bagong variant nito.

“Ito obserbasyon ko lang po ito, hindi naman ako doktor pero sa aking obserbasyon dito sa amin [Valenzuela City], itong bagong variant ay kakaiba po talaga pero ang importante po ngayon ay rumesponde tayo at ibigay natin ang kooperasyon natin para tuluyan nang maputol itong pagkalat ng bagong variant ng COVID,” sabi pa ng senador.

Kaya naman pinayuhan nito ang publiko na huwag maging kampante at patuloy na sundin ang mga health protocol para iwas hawa sa COVID-19 katulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.