Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Covid wa epek, Gobert bumida

0 266

Kay Rudy Gobert nagsimula ang suspension ng NBA noong March 11 matapos mag-positive sa coronavirus disease.

Sa Utah Jazz center din nanggaling ang unang basket ng season restart sa Orlando nitong Biyernes.

Pagkatapos ng tipoff, si Gobert pa ang pinuntahan ng Jazz para basagin ang scoring ng reboot. Nakaalpas siya at nagpakawala ng simpleng-simpleng layup.

Si Gobert ang nagsimula, siya rin ang tumapos.

Kalmado niyang ibinaon ang dalawang free throws 6.9 seconds na lang para itulak ang Utah sa 106-104 lusot laban kay Zion Williamson at New Orleans Pelicans.

Tumapos si Gobert ng 14 points, 12 rebounds at 3 blocks.

Lamang halos buong laro ang Pelicans, dumistansiya ng hanggang 16, at nagkaroon ng huling tsansa para agawin ang panalo pero kabyos ang 3-point attempt ni Brandon Ingram sa buzzer. Nawalan ng saysay ang points niya.

Limitado ang minuto ni Williamson, nag-ambag ng 13 points sa higit 15 minutes lang

tampok ang ilang alley-oop dunks kabilang ang half-court lob mula kay Lonzo Ball. May 23 pts. si Jordan Clarkson. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.