Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CP3 hanep sa steal, Suns sinilaw Heat

0 292

Mas mainit ang Suns sa Heat.

Nagkalat sa Talking Stick Resort Arena sa Phoenix ang Miami, hindi nakapalag nang ilampaso ng Suns 106-86 sa 75th NBA regular season game Martes ng gabi.

Nilimitahan ng Phoenix sa 31 of 82 shooting ang Heat (, 9 for 44 sa labas ng arc.

Binitbit ng 19 points at 13 rebounds ni Deandre Ayton ang Suns (39-15), nang magpundar ng 83-72 lead pagkatapos ng 36 minutes ay nilimitahan sa 14 lang ang Miami (28-26)sa final 12.

Nag-ambag ng pinagsamang 65 points sina Suns reserves Cameron Johnson, Cam Payne, Torrey Craig, Dario Saric at Jevon Carter.

May 12 points si Devin Booker, namigay ng 9 assists si Chris Paul sa Phoenix na 13 for 42 sa labas ng arc isang gabi matapos maglista ng franchise-best 25 3s.

Naka-dalawang steals si Paul para ilista ang 2,310th ng career, inakbayan sa No. 5 ng NBA all-time list si Maurice Cheeks.

Bumida ang 18 points at 8 assists ni Jimmy Butler sa Miami. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.