Abante Tonite Interactive

CP3 may asim pa

0 381

Inilista ni Chris Paul ang pito sa kanyang 16 points sa pamatay na 12-0 run at kinalos ng Oklahoma City Thunder ang New Orleans Pelicans 107-104 nitong Linggo.

Pinamunuan ng 23 points at 11 rebounds ni Danilo Gallinari ang Thunder, umayuda ng tig-17 sina Steven Adams, Dennis Schroder at Shai Gilgeous-Alexander. Nagbaba pa ng 10 rebounds si Adams.

Ibinaon ni Lonzo Ball ang pang-apat niyang 3-pointer para ilayo ang New Orleans 94-89, 5:12 pa sa laro ng 74th NBA 2019-2020 regular season.
Itinabla ng baseline 3 din ni Gallinari sa 94 kulang 4 minutes pa.

Tapos nu’n ay nag-take charge na sa dulo si Paul, nagsalpak ng dalawang 15-footers malapit sa free throw line bago tinapos ang personal run sa 3 mula sa right wing sa harap ng mahabang galamay ni Jaxson Hayes 101-94 sa Thunder.

Nagsumite ng 26 points si Jrue Holiday sa Pelicans, nagdagdag si Brandon Ingram ng 20 at may 11 points, 11 rebounds si Josh Hart. (VE)