Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CP3 nabuking ang sikreto

0 516

Trending ngayon sa social media ang National Basketball Association veteran na si Chris Paul ng Phoenix Suns.

Sa laro kontra Utah Jazz Martes sa Talking Stick Resort Arena sa Arizona, nakuhanan ang35-year-old, six-footer at 11-time All Star guard na may iniinom sa bench.

Kitang-kita sa bote ang nakasulat na, “Chris’ secret suff.”

Patok na patok naman sa mga fan ang larawan ni CP3, sinisigaw ng marami na nabunyag na umano ang sikreto ng ‘Point God.’

Hinalintulad pa ito ng ilang panatiko sa inumin ni Michael Jordan sa pelikulang Space Jam noong 1996. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.