Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CPP minarkahang terorista ng ATC

0 68

Nagbabala ang Communist Party of the Philippines (CPP) na ang pagmamarka sa kanila bilang teroristang organisasyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) ay pagsisimula na ng mas pinatinding pagpigil sa puwersang demokratiko sa bansa.

“The regime is setting the stage for all-out suppression of democratic rights using ‘anti-terrorism’ as pretext,” pahayag ni CPP information officer Marco Valbuena nitong Sabado.

Iginiit ng grupo na ang CPP at armed wing nitong New People’s Army (NPA) ay isang revolutionary organization na nakikipaglaban para sa pambansa at demokratikong interes ng mga Pilipino.

Dagdag nila, kinikilala ito ng iba pang mga bansa at international organization bilang lehitimo. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.