Abante Tonite Interactive

CPP-NPA ‘di tapat kausap – Galvez

By
198
Kulang pa sa sinseridad ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP) para muling maibalik ang peace talks.

 

Ito ang inihayag ni Secretary Carlito Galvez ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa harap ng pahayag ng liderato ng CPP na nais nilang muling bumalik sa negotiating table.

 

Related Posts

Sinabi ni Galvez na nagkausap sila ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na siyang tumatayong negosyador ng gobyerno sa CPP-NPA, at nakita nilang hindi tapat ang hangarin ng mga komunista para sa muling pagbabalik ng peace talks.

 

 

Ginagamit lamang aniya ng CPP-NPA ang isyu ng peace talks para makapagpalakas ng puwersa at makapaghanda sa mga pag-atake sa mga tropa ng gobyerno.

 

“Sa ngayon po nakikita namin hindi pa panahon, hindi pa sila handa na magkaroon ng sinserong usapang pangkapayapaan. Nakikita namin, ginagamit kasi ang peace talks para lang magkaroon ng leverage to reconstitute at saka to recover ‘yung loss nila,” ani Galvez.

 

Dahil dito hinamon ng kalihim ang CPP-NPA na kung talagang desi­dido ang mga ito na magkaroon ng peace talks ay talikuran ang kanilang armadong pakikibaka at tuldukan ang paghahasik ng karahasan para makumbinsi ang gobyerno na tapat sila para sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan.