Abante Tonite Interactive

CPP-NPA leader arestado sa Marikina safe house

392

Samu’t sari at matataas na kalibre ng armas ang nasabat mula sa safe house ng kinikilalang high ranking CPP leader sa ikinasang search warrant operation sa Chrysanthemum St., Loyola Residents, Civic Organizations, Brgy. Barangka, Marikina City kamakalawa.

Sa report na nakalap sa tanggapan ng Eastern­ Police District (EPD), naganap ang ope­ration sa pinagsanib na puwer­sa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Regional Special Operations Unit (RSOU), PNP-Special Action Force (SAF) at Joint Task Force (JTF)- NCR AFP matapos ang pagla­labas ng search warrant noong Marso 21, 2019 sa sinasabing safe house sa 162 General Bautista St., Poblacion II-A, Imus City, Cavite kung saan naaresto si Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front Leader Renante Gamara y Macatangay, alyas Mike at alyas Tony, kinikila­lang Central Committee member ng CNN, dating Secretary ng Metro Manila Regional Party Committee of the CPP-NPA at National Democratic Front (NDF) Consultant.

Sa naganap na unang operation, nakumpiska ang mga pekeng ID ni Gamara na nagbunga ng masusing paghahanap at surveillance.

Nakumpiska sa raid ang apat na subversive document, 1 Seafarer’s Identification at record book, 2 hand grenade, Caliber 9mm, isang 9mm magazine na may anim na 9mm live ammunition, 5 larawan ni Gamara at isang black pouch.

Dinala ang mga nakumpiskang armas sa RSOU office para sa documentation habang ang dalawang hand grenade ay itinurn-over sa Marikina City Police Station para sa safe keeping.

Kasalukuyang nakakulong si Gamara sa RSOU Custodial Facility. (Vick Aquino)