Abante Tonite Interactive

CPP-NPA magparamdam ng sensiridad sa peace talks

By
512

Ang usapang pang­kapayapaan ang pinakamainam upang tapusin ang mga rebeldeng pakikibaka sa bansa.

Hindi solusyon ang armadong labanan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde na parehong mga Filipino at kasamang nadadamay at naiipit sa labanan ay ang mga inosenteng sibilyan.

Isang magandang development ang desisyon ni Pangulong Duterte na pumayag na muli sa panunumbali k sa peace talls sa CPP-NPA-NDF .

Mahaba na rin sana ang tinahak ng naunang pag-uusap ng maka-kaliwang grupo at pamahalaan su­balit ito ay naudlot o nadiskaril dahil sa mga nagawang hakbang ng CPP-NPA na naghasik pa rin na kaguluhan at nagpatuloy sa pag-atake sa militar at pulisya na nandamay pa ng sibilyan.

Makabubuting magpakita ng sensiridad ang rebeldeng komunista upang mabilis na umusad ang usapang pangkapayapaan.

Kung matitigil ang mga ginagawang pag-ambush at umano’y pangingikil ng CPP-NPA ay magandang panimula nang pagpapakita ng seryoso sa peace talks.

Bukod dito, mapapatunayan din ng matataas na lider na nakabasa sa The Netherlands sa pangunguna ni communist founders Joma Sison na kontrolado nito ang lahat ng mga kasapi ng kilusan dito sa Pilipinas.

Mahalagang magtagumpay ang peace talks sa bansa upang matapos na ang kaguluhan.

Habang umuusad ang peace talks sa rebeldeng Muslim ay dapat maisabay na dito ang sa rebeldeng komunista upang mas maging matatag ang peace and order sa bansa.

Ang kaayusan at katahimikan ang susi upang umunlad ang Pilipinas dahil tiyak na maraming dayuhan o lokal ang patuloy na maglalagak ng puhunan sa bansa.

Sana nga ay tuluyan nang makamtan ng mga Filipino ang tunay na kapayapaan at tuluyang mawala na ang mga armadong laba­nan sa mga rebeldeng grupo sa bansa.