Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CPP-NPA-NDF tumitiba sa poll extortion

0 98

Milyong pisong halaga ang naibubulsa umano ng mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) tuwing eleksyon.

Ito ay bunsod na rin sa sinasabing “permit to campaign” at “permit to win” nilang pangingil.

Sa lingguhang ‘virtual’ balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, sinabi ni

National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Deputy Director General Abelardo Villacorta na para makapangampanya ang mga kandidato sa pagka-gobernador at kongresista ay kailangan muna nilang magbayad ng `P2M – P4M.’

SM food to go Banner Ad

Lumalabas pa sa intelligence report ng NICA na milyong piso ang nakokolekta CPP-NPA-NDF sa mga politikong nais mangampanya sa mga lugar na hawak nila para manalo sa halalan.

Kinumpirma rin ito ng dating CPP-NPA Cadre at tagapagsalita ng NDF-FSR na si Noel “Ka Efren” Legaspi at base aniya sa kanyang karanasan noon ay may “rata” ang lahat o presyong ipinapatupad ang kanilang grupo, base sa posisyon at kakayahan ng kandidato.

“Ang vice governor medyo mababa. Depende naman sa status ng siyudad ang sa mga mayors, P1 hanggang P2 milyon. Ang councilors P20,000-P100,000,” ang pahayag ni Legaspi. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.