Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CPP-NPA palakas puwersa lang sa peace talk – Ping

0 103

Tinabla ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang pagsasagawa ng peace talk sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa halip, mas nais nitong magkaroon na lamang ng “localized peace efforts”.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos mag-isyu ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMCL) sa mga bank deposit at iba ang asset ng CPP-NPA.

Para sa senador, tama lamang na ginawa ito.

“It is called resource denial operations and rightly so, in order to tighten the noose on the financial and logistical needs of the CPP-NPA,” ani Lacson.

SM food to go Banner Ad

Subalit dapat pa rin aniyang tanggapin ang mga miyembro ng CPP-NPA na nais magbalik loob sa pamahalaan at siguruhing magiging makatarungan ang pagtrato sa mga ito gayundin ang kanilang personal na kaligtasan.

Tungkol aniya sa ulat na panawagan ng CPP-NPA para ibalik ang peace talk, sinabi ni Lacson na duda siya kung irerekomenda pa ito ng security sector kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Peace talks are just part and parcel of their long-drawn strategy to consolidate their forces and stop the momentum gained by the security forces,” ani Lacson.

Dapat aniyang matuto na tayo sa mga naging karanasan at mas makabubuti pa kung magkaroon na lamang ng localized peace talks na gagabayan at suportado ng national government.

Leave A Reply

Your email address will not be published.