Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CPP-NPA pondo pinaipit sa mga bangko

0 82

Inaprubahan na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang freeze order sa mga bank deposit at iba pang asset ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), base kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra nitong Linggo.

“The AMLC can already move in the premises at any time after due designation by the ATC (Anti-Terrorism Council),” tugon ni Guevarra sa tanong kung sinimulan na ng AMLC ang pag-ipit sa mga bank deposit ng CPP-NPA matapos na ideklara ang mga ito bilang terrorist group ng Anti-Terrorism Council (ATC).

Aniya, batay kay AMLC Executive Director Mel Racela, inaprubahan na ng ahensya ang freeze order laban sa CPP-NPA at iba pang teroristang grupo noong Disyembre 23, 2020.

SM food to go Banner Ad

Inilabas aniya ang kautusan matapos na ideklara ng ATC ang CPP-NPA bilang terrorist group.

“The ATC…finds probable cause that the CPP/NPA committed or conspired to commit the acts defined and penalized under Section 4 of the Anti-Terror Act and hereby designates the CPP/NPA as terrorist organizations, associations or groups of persons,” nakasaad sa ATC resolution na may petsang Disyembre 9 subalit nilathala sa website nito noong Disyembre 21.

Sa ilalim ng Sections 35 at 36 ng Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020, binigyan ng kapangyarihan ang AMLC para kalkalin ang pondo ng mga organisasyon o grupo ng mga indibiduwal na kabilang sa mga `minarkahan’ ng ATC bilang terorista.

May 20 araw ang AMLC para ipatupad ang freeze order at puwede pa itong palawigin ng hanggang anim na buwan matapos aprubahan ng Court of Appeals. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.