Abante Tonite Interactive

CR safe place ng mga lalaki para ‘di maistorbo sa paggamit ng CP

393
Mga misis! Madalas bang nagbababad sa kubeta ang ­inyong asawa?
Kung oo ay huwag ka nang magtaka. Ito ay dahil lumabas sa isang research na isa ito sa mga taguan at ‘safe place’ ng mga la­laki o mister para ‘di sila magambala sa paggamit ng kanilang mga mobile phone.
Sa isang pag-aaral na kino­misyon ng bathroom company Pebble Grey, lumutang na libong mga kalalakihan ay paboritong tambayan ang kubeta dahil sa iba’t ibang rason.
Bukod sa ginagawa nila itong taguan para ‘di sila ma-distract sa paggamit ng kanilang cellphone  o gadgets ay lumabas sa survey na ginagawa rin nila itong pahi­ngahan para matakasan ang nakakairitang pagbubunga­nga ng kanilang mga dyowa, sobrang kakulitan ng mga bata at para makaligtas sa mga gawaing bahay.
Sa research, nabatid na 7-oras ang ginugugol ng mga lalaki sa CR bilang kanilang ‘outside world’ at ‘me time.’
Bukod sa ilang ‘kababalaghang’ ginagawa nila sa kubeta ay nagsisilbi rin itong lugar bilang kanilang kapayapaan, kaligayahan o pantanggal-stress.
“We all need a little bit of time to ourselves – to take stock or switch off completely. And the bathroom appears to be the go-to place for those moments – it’s very much a sanctuary, somewhere we can cut ourselves off from the outside world, ­albeit just temporarily. As the results suggest, peace and quiet is ­sacred and clearly, men take the opportunity to get this where they can – often in the bathroom,” paglalahad ng spokesperson ng kompanya.