Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Crane operator pumulupot sa kable, lasog

0 127

Nagkalasog-lasog umano ang katawan ng isang crane operator nang mapuluputan ng kable habang pababa mula sa roof deck ng pinagtatrabahuhang construction site sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Jerome Guevarra, 30, binata, gantry crane operator ng Nova Bala JV Corporation at pansamantalang naninirahan sa NBJVC facilities sa Tandang Sora.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang naganap ang aksidente alas-10:53 ng gabi sa construction site na matatagpuan sa Pag-asa compound, Mactan Street, Tandang Sora Avenue Extension, Brgy. Old Balara.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dahil tapos na ang oras ng duty ng biktima ay pinalitan na siya ng kasamahang si Armand Udtuhan. Lingid sa kaalaman ng huli ay nasa roof deck pa si Guevarra at pababa pa lamang, at sinimulan na niya ang kaniyang trabaho nang maramdaman niyang may kakaibang nangyayari sa wire rope drum kaya inihinto niya umano ang pagpapatakbo sa crane.

Nang kaniyang siyasatin kung ano ang tila may pumipigil sa kable ay laking gulat niya ng makita ang kasamahang si Villanueva na wala nabg buhay habang nakapalupot ang wire rope ng gantry crane sa katawan nito. Agad na humingi ng saklolo si Udtuhan sa mga kasamahan at ini-report sa himpilan ng pulisya ang insidente.

Sa pagsusuri sa katawan ng biktima, na-deformed na ang katawan nito nang mapaluputan ng tali ng kable ng crane na sanhi ng pagkamatay niya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.