Abante Tonite Interactive

Crash Landing on You winasak ang record ng Goblin

729

Nag-finale episode na ang tvN’s Crash Landing on You noong Linggo ng gabi, February 16 sa bansa.

Halos late lang ng ilang oras nang ipalabas ito sa Netflix mula sa tvN Korea.

Masasabi naming ang K-drama na Crash Landing On You ang unang naging popular k-drama sa taong 2020, lalo na sa Pilipinas. Napakaraming nanood, nag-abang kahit ongoing series pa lang ito.

Maingay rin ang CLOY sa social media at pinipick-up din ng ilang news portal at blog sites. Na-hook ang Pinoy K-drama fans sa nakakakilig na love story sa pagitan nina Captain Ri, played by South Korean actor, Hyun Bin at Yon Se Ri na ginampanan naman ng award-winning actress na si Son Ye Jin.

Sa isang banda, nag-finale episode ang CLOY for a record-breaking ratings. Natalo na nito ang may highest drama ratings in tvN history na “Goblin.”

Ayon sa Nielsen Korea, the final broadcast of “Crash Landing on You” scored an average nationwide rating of 21.683 percent and a peak rating of 24.1 percent, smashing the previous record set by “Goblin” back in January 2017 (whose finale achieved a peak rating of 20.5 percent).

Sa Seoul Metropolitan naman ay naka-score ito ng 23.249 percent for its final episode.