Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cray hari ng hurdle

0 69

IPINAGPATULOY ni Eric Shawn Cray ang kanyang dominasyon sa men’s 400m hurdles sa pagsungkit nito sa kanyang ikalimang sunod na gintong medalya sa athletics event ng 31st Southeast Asian Games sa My Dinh Stadium.

Itinala ni Cray, na unang nagwagi sa event noong 2013 sa Naypyidaw, Myanmar, ang oras na 50.41 segundo upang ibigay sa asosasyon ng athletics ang kabuuang ikatlong gintong medalya at ika-32 sa kabuuan sa Team Pilipinas.

Ang ginto ay ikapito naman ni Cray sa multi-sports na torneo matapos magwagi din ng ginto sa 100m noong 2015 sa Singapore at sa mixed team relay na unang isinagawa noong 2019 Philippine SEA Games.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala’y nakapagwagi naman ng medalyang pilak ang dating kampeon na si Sarah Dequinan sa women’s heptathlon sa nakolekta nitong 5,381 puntos.

Nagkampeon si Na Nguyen Linh ng Vietnam sa iskor na 5,415 at tanso kay Norliyana Kamaruddin ng Malaysia na may 5,262 puntos.

Nakapagwagi din si Robyn Brown ng tansong medalya sa women’s 400m hurdles sa oras na 56.440. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.