Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cray hari pa rin ng 400m hurdles

0 54

HANOI, Vietnam – Parang ‘di nagkakaedad si Eric Shauwn Cray nang ipagdiinan pa ring No. 1 sa men’s 400m hurdles para sa pampitong medalyang ginto sa 31st Southeast Asian Games 2022 athletics sa My Dinh National Stadium Martes ng hapon dito.

Nagsilbing pagresbak ng 33-year-old, 5-foot-9 Olongapo-born Fil-Am athlete ang resulta sa mga namboldyak na kritiko sa pagsablay sa 2020+1 Tokyo Olympics noong Agosto sanhi ng isang injury.

May 50.41 clocking siya na mabagal lang ng 20 segundo kesa sa oras niya noong PH 2019 SEA Games para sa panlimang sunod na 400 hurdles title na nagsimula pa noong Myanmar 2013 SEAG, Malayo rin ito sa 49.40 na SEAG record niya.

“Man, it’s a blessing (pampitong SEAG gold), I thank God for this, I feel that I still got one more left in me,” bulalas ni Cray na sinalya sa pilak ang patok na home bet na si Cong Lich Quach (50.82) at sa tanso si Jun Jie Calvin Quek ng Singapore (51.19).

Pang-apat na gold na rin ito ng Philippine Athletics Track and Field Association bet

na suportado ng Philippine Sports Commission, sa bumuntot kina Ernest John Obiena men’s pole vault sa new meet mark, William Morrison na wagi sa men’s shotput at Clinton Kingsley Bautista na nagtala ng national record 13.78 seconds sa pamamayagpag sa men’s 110m hurdles, umeklipse sa 13.97 niya nu’ng 2019.

Pero nanatiling nasa tersera ang Team ‘Pinas sa medal standings sa may katumalang araw sa gold ng mga Pinoy. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.