Abante Tonite Interactive

Cray, Knott, Richardson kayod sa Asian Athletics

241

Makikipag-agawan sa nakatayang mga medalya ang 14-kataong delegasyon ng Phiippine Athletics Track And Field Association sa 23rd Asian Athletics Championship 2019 na gaganapin sa Khalifa Sta­dium sa Doha, Qatar simula sa Abril 21 hanggang 24.

Makikipagkompetensiya ang mga pambansang atleta kontra sa 45 iba pang bansa bilang pagha­handa sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Umalis noong Huwebes, Abril 19 ang 14 na pangunahing track and field athletes ng bansa sa pangunguna nina Fil-foreign Eric Shawn Cray, Kristina Knott, Natalie Uy, Alyana Nicolas at Kyla Richardson.

Kasama din sa delegasyon ang homegrown na sina Clinton Bautista, Anfernee Lopena, Jomar Udtohan, Francis Medina, Mark Harry Diones, Marco Vilog, Ernest John Obiena, Janry Ubas, Aries Toledo at Joyme Sequiya. (Lito Oredo)