Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CREATE buburahin VAT sa gamot kontra cancer

0 206

Libre na sa value-added tax (VAT) ang mga gamot laban sa sakit na cancer oras na maging batas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Noong Miyerkoles niratipikahan ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report ng CREATE bill. Layon nitong ibaba ang corporate income tax (CIT) at baguhin ang tax incentive system para mahikayat ang mas marami pang foreign investor sa bansa.

Ayon kay Villanueva, hindi lamang makatutulong ang CREATE para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya kundi malaki rin ang makakaltas nito sa presyo ng mga gamot kontra cancer na pumapatay ng daan-daang mga Pilipino kada taon na walang kakayahang ipagamot ang kanilang sakit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng panukala, magbebenepisyo ang public health system kung mababawasan ang mataas na gastusin sa cancer treatment lalo na ang mahihirap na mga Pinoy na walang choice kundi huwag na lang magpagamot dahil sa kawalan ng pera.

“Pag bubuwisan po natin ang gamot sa cancer, mga kababayan po nating may sakit ang magbabayad niyan,” ani Villanueva.

Bukod sa gamot sa cancer, kasama rin aniya sa malilibre sa VAT sa ilalim ng CREATE ang mga sakit para sa mental illness, tuberculosis at kidney. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.