Abante Tonite Interactive

Credit card dahilan ng hiwalayang Jimuel-Heaven?

2,147

Si Jimuel Pacquiao na mismo­ ang naglinaw ng isyung money matters daw ang dahilan­ ng break-up nila ni Heaven Peralejo na kesyo ginamit lang siya ng young actress para sa pera.

“‘Yung lahat po ng naririnig n’yo about sa money and sa ganu’n, hindi po totoo ‘yun. Hindi po siya ganu’n,” paha­yag ni Jimuel sa video interview ng katotong John Fontanilla.

Magkasamang na-interview sina Heaven at Jimuel ng nasabing reporter at mukhang okay naman sila. In fact, nang tanungin kung willing ba sila na makipagtrabaho sa isa’t isa, mabilis na sagot ni Heaven, “oo naman.”
May communication pa rin naman daw sila kahit break na sila at wala naman daw nabago.

Ilang beses na ring nilinaw ni Heaven na hindi niya ginamit si Jimuel, gayundin ang issue na ginamit daw niya ang credit card ng anak ni Manny Pacquiao para ipang-grocery for her family.

Ayon kay Heaven sa kanyang panayam last week ay wala raw ganu’ng pangyayari na ginamit niya ang credit card ni Jimuel.

Hindi ito ang dahilan ng hiwalayan. (Vinia Vivar)