Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Crematorium sa North Cemetery nasunog

0 453

Nagliyab sa loob ng halos kalahating oras ang isang crematorium sa loob ng Manila North Cemetery (MNC) kahapon ng madaling araw sa Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-3:30 ng madaling araw nang unang mamataan ang apoy sa isang palapag na crematorium facility.

Tuluyan namang naapula ng mga bumbero ang apoy, alas-4:04 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa kanang bahagi ng human incinerator crematory equipment. Masuwerteng walang nasaktan sa insidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.