Abante Tonite Interactive

Crew ng ‘Victor Magtanggol’ nganga sa December

2,398
tonite-imo-vinia-vivar
Matatapos na lang ang Victor Magtanggol ay iniintriga pa. Kesyo na-cut short daw dahil hindi makaagapay sa ratings ng katapat na programa na FPJ’s Ang Probinsiyano.
Kaya naman nang makausap namin ang bida ng VM na si Alden Richards kahapon sa taping, nahingan siya ng reaksyon tungkol dito.
“Well, aminin po natin, sa ratings talaga, hindi tayo makaagapay, pero hindi po kami cut short. We run a full season. Actually, extended po siya. We were supposed to only run for 13 weeks, pero during the pilot taping, pu­mirma na po kami ng extension contract.
“So, hindi po kami cut short, whatsoever,” ang paglilinaw ni Alden.
Pero aminado naman ang Pambansang Bae na dahil sa mga basher ng VM ay natuto rin siyang maging matatag.
“Mas kinaya ko po ngayong manindigan sa mga sinasabi ko po at ginagawa kong desisyon. Na madalas po kasi, ‘pag lagi tayong nakaantabay at nakasubaybay sa mga sasabihin sa atin ng tao, wala pong mangyayari sa buhay natin, eh.
“Kung baga, if words can control you, everyone else can control you. Twinit ko po ‘yan. Na parang dapat, ‘yung true powers is just observing in silence and doing things ‘yung mga bagay na alam mong makakabuti, na alam mong wala ka namang ginagawang masama,” he said.
Actually, pag-amin pa ng aktor, naisip daw niyang kausapin ang mga bossing ng GMA-7 para ma-extend ang show.
“Hindi po para tumalo ng show, hindi para kumita ko, kungdi para po doon sa mga tao. ‘Yung timing po kasi ng (pagtatapos ng) show is November, magki-Christmas, wala po silang work.
“Eh specially po ‘yung mga crew namin, nalaman-laman ko po, rotation siya, hindi po siya kung may kumuha, kukunin sila. In short, wala po sila talagang trabaho sa December.
“Kaya lang po, ang daming factors na kinunsider, ‘yung show po kasi na darating, ready na po, tapos ‘yung bakasyon ko rin po sa family, hindi ko na po mai-move. Saka ‘yun lang din po ‘yung day na napaalam ko sa GMA, last year pa po, actually,” he said.
Sa December ay nakatakdang pumunta si Alden kasama ang buong pamilya sa Los Angeles, California, USA for a much-needed vacation dahil hindi naman talaga biro ang hirap niya sa Victor Matanggol.
Pahinga rin muna raw siya sa serye dahil sa first quarter ay magpelikula muna siya. Dream din daw niya na gumawa ng indie (independent film) dahil hindi pa raw nito nagagawa, though aniya, so far ay wala pa namang offer.
Baka raw 2nd quarter na ng 2019 siya gumawa ulit ng serye at gusto niya ay drama naman dahil nami-miss na raw niya ito.
Sa Friday (Nov. 16) na ang finale episode ng VM at thankful si Alden sa lahat ng mga walang-sawang tumangkilik sa show at sa lahat ng mga fan niya na talagang hindi bumitaw sa pagsuporta sa kanya.
Ano naman ang message niya sa mga bashers?
“Okay na po sila, God bless na lang po, Merry Christmas po,” sambit ng aktor.
***
Nakausap din namin sa taping si Janine Gutierrez na lea­ding lady ni Alden sa Victor Magtanggol at siyempre ay malungkot din siya sa pagtatapos ng serye.
“Nalulungkot talaga ako, I feel like ang dami ko pa sanang gustong gawin at mga hindi ko nagawa. Pero I hope na na-serve ko ‘yung purpose ko sa show na ito kahit papaano,” sey ni Janine.
She recalled na talagang noong unang tanggapin niya ang serye ay kinakabahan siya at tinatanong ang sarili kung bakit siya ang napiling maging leading lady.
“Pero nagtiwala lang po ako sa mga boss, kaya nasasabi ko ngayon na sana, na-serve ko ‘yung purpose ko,” sambit ng young actress.
Sobrang puring-puri ni Janine si Alden sa ilang buwan nilang pagsasama sa serye. Isa sa memorable moments nga niya ay ang taping nila sa Japan.
“Naalala ko, parang may inorder ako na ‘di masarap, tapos parang sabi niya, “ano, Ja, not good?” Tapos sabi ko, “oo nga, parang hindi masarap.” Tapos, inayos niya, nilagyan niya ng lemon, parang tinimplahan niya, tapos ang sarap na. Sabi ko, “ang galing!” kuwento ni Janine.
“So, ‘yun ang mami-miss ko, ‘yung mga ganun’g maliliit na moments. Very sensitive siya sa mga tao, eh. Alam niya kung parang masaya ka or hindi ka ok at talagang maasikaso siya sa lahat ng tao,” pahayag pa ni Janine.
Tulad ni Alden ay sa US din magbabakasyon ngayong December si Janine kasama naman ang ama niyang si Ramon Christopher Gutierrez at mga kapatid niya. Siyempre, hindi na kasama ang mommy niyang si Lotlot de Leon dahil ikakasal na nga rin ito sa fiancée sa nasabing buwan.