Abante Tonite Interactive

Crime doesn’t pay

By
9

Iyan ang aral sa isang OFW sa United Arab Emirates (UAE) na nahaharap sa pagkakakulong ng anim na buwan matapos na umano’y pagnakawan ang kanyang employer.

Nagsimula ang kaso sa pagkawala ng Dh10,000 cash at Dh6,000 halaga ng alahas ng Emirati employer na isinisi nito sa kanyang housemaid na Filipina.

Inamin daw ng ating kababayan na siya ang kumuha ng alahas at pera.

First Instance

Ang hatol ay iginawad sa OFW ng Dubai Criminal Court of First Instance at ang kaso ay isinumite noon pang 2013. Ang tanong: Bakit naman umabot ng tatlong taon ang resolusyon ng kaso?

Na-serve na kaya ng OFW ang anim na buwang kulong na parusa kung noon pang 2013 siya nakasuhan? O nakapagpiyansa ba siya habang dinidinig ang kaso kung kaya ise-serve pa lang niya ang hatol na pagkakulong ng anim na buwan?

Sa reklamo ng Emirati, umalis daw siya at kanyang pamilya noong gabi ng July 21, 2013 at nakalimutan daw niyang i-lock ang pinto ng kanyang bedroom.

Positive

Positive raw siya na nasa kwarto ang pera at alahas na nawala kasabay ng pagkawala ng maid.

Sa justice system, ang flight o pagtakas ay itinuturing na admission of guilt kung kaya nang hindi na nadatnan ng Emirati ang kanyang maid ay ito na ang pinagsuspetsahang agad na nagnakaw ng alahas at pera.

Ano kaya ang nasa isip ng OFW kung totoong siya ang nagnakaw ng pera at alahas? Ma­tindi ba ang kanyang pangangailangan para isa­gawa ang krimen?

Inisip ba niya na malulusutan niya ang krimen sa pamamagitan ng pagtakas patungo sa Sharjah kung saan siya dinampot ng mga pulis?

Counseling

Isa pang kasabihan ang agad papasok sa ating isip: Iyan ay pagkakaroon ng mahabang kamay ng batas na eventually ay sasakote sa mga kri­minal at mga nagtatago sa krimeng nagawa.

Ano kaya ang magiging hakbang ng ating pamahalaan kaugnay ng isyung ito? Na-serve na ba ang ends of justice at pauuwiin na lang ang OFW?

If this is the case, dapat lang na isalang sa matinding counseling ang OFW at bigyan ng pagkakataon na makapagbagong-buhay pag-uwi ng Pilipinas.

***

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.