Abante Tonite Interactive

Crime prevention committee sa mga paaralan itinulak

By
33

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga kolehiyo at mga unibersidad sa buong bansa.

Sa kanyang Senate Bill 946 o Campus Safety Bill, nais ni Angara na paigtingin ang seguridad at tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante habang nasa loob ng mga kolehiyo at mga unibersidad.

Batay sa panukala, oobligahin ang lahat ng higher education institution at mga technical vocational school na bumuo ng crime prevention committee na magmomonitor sa kaligtasan ng mga estudyante.

Inirerekomenda rin na magkaroon ng mga pagsasanay ang bawat kolehiyo at unibersidad sa pangangasiwa ng National Police Commission upang mabigyan ng kaalaman kung paano makaiiwas sa droga o mga organisasyon na nagsasagawa ng karahasan ang mga estudyante.

Binigyang-diin ni Angara na ang mga paaralan ay dapat maging kaaya-ayang lugar para sa pag-aaralan at hindi sa karahasan.

“Schools should be conducive to learning and intellectual discourse, not venues for violence and crime. We must ensure a safe and secure environment for students to pursue their studies within these institutions without fear for their physical well-being,” pahayag ni Angara.