Abante Tonite Interactive

Criminology student nangholdap ng kasambahay

By
2,166

Arestado ang isang criminology student pero nakatakas ang dalawang kasama nito makaraang holdapin ang isang kasambahay sa Muntinlupa City kahapon ng madaling-araw

Kinilala ni Southern Police District director Chief Supt. Tomas Apolinario ang nadakip na si Vincent Sayson alyas Tata, isang criminology student at nakatira sa Brgy. Sucat, Muntinlupa.

Tinutugis ang dala­wa pang suspek na kinilalang sina Jaymark Domasian at John Rick Villorante, parehong nasa hustong gulang at naninirahan sa Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.

Base sa pahayag ng biktimang si Marjorie Aala, 38-anyos, bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang harangin at holdapin siya ng mga suspek habang nagla­lakad malapit sa harapan ng East Bar and Restaurant sa Kilometer 19, East Service Road, Brgy. Sucat.

Sapilitang kinuha ng mga suspek na armado ng patalim ang bag at cellphone ng biktima.

Dahil sa insidente ay mabilis na nagreklamo ang biktima sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kaya naaresto ang suspek na si Sayson sa follow-up ope­ration.

Nahaharap ngayon sa mga kasong robbery-holdup at illegal possession of bladed weapon bukod pa sa paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa pagdadala ng armas ang suspek na si Sayson.