Abante Tonite Interactive

Criminology student sinunog

559

Malagim ang naging huling sandali ng isang lalaking college student matapos itong paslangin at pagdaka’y sinunog pa ang kanyang bangkay sa Cagayan de Oro City.

Kinilala sa report ang biktimang si Marjun­e Mejos, criminology student.
Ang bangkay nito ay natagpuan sa ilalim ng puno sa isang bakanteng lote sa Sitio Kamakawan, Brgy. Indahag kung saan ang ilang bahagi ng katawan nito ay sunog.

Bago ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima ay may natanggap na report ang mga pulis hinggil sa isang sunog na motorsiklo di kalayuan sa lugar kung saan natagpuan ang sunog na bangkay ni Mejos.

Lumilitaw din sa imbestigasyon na nagtamo ng mga sugat sa ulo ang biktima na pinaniniwalaang pinaghahampas muna gamit ang matigas na bagay.

“Nakatihaya na ang biktima, may gaping wound siya sa left eyebrow. Gaping means struck by a hard object, pointed object,” paglalahad ni Police Lt. Fuljean Ragmac, imbestigador ng SOCO.