Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cristina, Aya pantasya ng mga barako

0 643

NI: Nonie V. Nicasio

Ang mga pangalang Cristina Gonzales at Aya Medel ay synonymous sa hot, daring, at sexy noong noong dekada 90.

Sumabak sila at nakilala sa mga TF or Titillating Films noong kanilang kasikatan.

Ang angking ganda at kaseksihan nina Cristina at Aya ay sapat para maging laman sila ng pantasya ng maraming barako.

Si Cristina ay nagsimula sa showbiz bilang singer na may screen name na Kring Kring. Kinalaunan, dahil sa kanyang natatanging ganda, flawless at curvaceous body, naengganyo rin siyang sumabak na rin sa pag-arte sa pelikula.

Ang ilan sa pelikulang tinampukan ni Cristina ay ‘Bikining Itim’, ‘Nimfa’, ‘Bad Girl’, ‘Bad Boy 1 and 2’, ‘Ang Katawan ni Sofia’, ‘Sa Akin Ang Asawa Mo’, ‘Nang Gabing Mamulat si Eba’, at iba pa.

Nang huminto siya sa showbiz, nabaling ang kanyang direksiyon sa mundo ng politika nang naging asawa niya si Alfred Romualdez. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak, sina Sophia at Diana.

Noong 2007 ay pumasok si Cristina sa arena ng politika at nanalong city councilor for two terms sa kanyang bayan sa Tabcloban. Nong 2016 ay tumakbo naman siya at nanalong alkalde ng Tacloban City.

Noong kapanahunan ni Aya, kapag binanggit ang salitang ‘Papaya Queen’, ang papasok agad sa isip mo ay siya.Nakilala siya noon dahil sa kanyang malulusog na boobs.

Unang sumabak sa showbiz si Aya sa gulang na katorse. Siya ay nakita ng isang talent scout matapos maging first runner-up sa Mutya ng Tabaco na ginanap sa Tabaco, Albay.

Unang napanood ang morenang sexy actress sa pelikulang ‘Totoy Mola’ ni Jay Manalo. Mula rito, nagkasunod-sunod na ang pagsabak niya sa sexy movies.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya na karamihan ay nagpainit nang husto sa puson ng maraming kalalakihan ang ‘Sisa, ‘Akin Ka Lamang’, ‘Laruang Buhay’, ‘Gatilyo’, ‘Babae sa Bubungang Lata’, ‘Molata’, ‘Bawal’, ‘Siya’y Nagdadalaga’, ‘Naked Nights’at iba pa.

Nakagawa rin si Aya ng ilang foreign films tulad ng ‘Love and Desire,’ ‘Troublesome Nights’-comedy film na ipinalabas sa Hong Kong, at ‘Total Aikido’ na ipinalabas naman sa Japan.

Nang huminto sa showbiz ay nag-aral at naka-graduate ng International Cuisine/Baking and Pastry sa Center for Asian Culinary Studies si Aya. Nagtrabaho rin si Aya sa Intercontinental Tokyo bilang sous chef bago siya sumabak sa sarili niyang restaurant business.

Ngayon ay isa na siyang chef at owner ng tatlong restaurants, kasama na ang Ishiaya’s Garden Bistro sa Tabaco Albay, Bicol .

Last month ay sumailalim sa isang major surgery ang former sexy actress. Pang-apat na surgery na ito ni Aya dahil nagkaroon siya ng bleeding pagkatapos niyang ipanganak ang kanyang bunsong si Simon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.