Abante Tonite Interactive

Cristine, Mrs. Khatibi pa rin ang gamit sa IG

By
2,216

Umiwas si Cristine Reyes nang tanu­ngin ng mga TV reporter tungkol sa sitwasyon nila ng kanyang mister na si Ali Khatibi.

Nakasentro lang ang atensyon ni Cristine sa kanyang anak na si Amarah.

Mararamdaman sa isang post ng aktres na kahit anong pinagdadaanan ay hindi niya pababayaan ang kanyang anak.

Nabanggit ni Cristine ang salitang “rain or shine” at ipinapalagay ng kanyang followers na tungkol ito sa marital problem niya.

@mrscristinekhatibi, “Come rain or come shine, I will always be right by your side. Xo Mommy.”

Kung totoong hiwalay ngayon sina Cristine at Ali, may pag-asa pa silang magkabalikan dahil hanggang ngayon ginagamit pa rin ng aktres ang apelyido ng asawa niya bilang IG name. Nag-follow rin siya ulit sa Instagram account ng asawa.

Bukod dito, hindi pa rin tinatanggal o dini-delete ng aktres ang ilang larawan na magkakasama sila ni Ali at ang baby nila.

Bangs napangitan sa pambinyag ng anak

Dedma lang si Bangs Garcia kahit pinupuna ng mga basher niya na may British accent na raw ito ‘pag nagsasalita.

Buti nga’t hindi siya napipikon kahit paratangang social climber.

Nasa England ngayon ang aktres kapi­ling ang kanyang rich na mister at anak.

Kamakailan naging abala si Bangs sa binyag ng kanyang baby. Medyo nadismaya siya dahil gusto sana niyang ipasuot sa anak ang damit na ginamit noon sa kanyang binyag pero hindi na niya nagawa dahil naiwan ito sa Davao.

@valeriebangsgarcia, “ ’m so happy Amelia is baptized already!!! Gutted I couldn’t pass on to Amelia my #BaptismDress coz it’s in Davao City but I’m glad anyhow I’ve found something quite similar to what I was wearing in 1987.”

Isa si Bangs sa mga celebrity na mas pinili ang buhay may asawa kaysa magbalik-showbiz . Dahil masaya ang buhay niya sa London, wala pang paramdam kung kailan siya magka-comeback.

Director nagdamot sa ‘Darna’

Mukhang hindi naman totoong shelved ang ‘Darna’ gaya ng mga lumabas na sitsit.

Nakapaskil sa Instagram wall ni direk Erik Matti, ang isang malaking led monitor kung saan makikita ang logo ng bagong design na Darna title at nakasulat ang katagang Film Updates. Hindi luma ang post dahil nakasulat sa led wall na dated ang meeting noong May 9, 2018.

Parang ipinapakita lang ni direk Matti sa netizen na may on-going production meeting sa Darna. Pero naging maramot si direksa pagbibigay ng iba pang details sa project. Ang akahulugang hashtag lang niya ay #theprojectthatshouldnotbenamedyet.

Yasmien milyon kung magregalo

Naglalaro sa P1.138 hanggang P1.643 milyon ang halaga ng sasakyang iniregalo ni Yasmien Kurdi sa kanyang pilot husband na si Rey Soldevilla kung ire-research mo sa retail market.

Sey nga ni Yasmien, deserve ng kanyang asawa ang ganitong mamahaling regalo dahil sa mga katangian nito.

Anim na taon nang kasal sina Yasmien at Rey.

Self-made kung tutuusin ang magandang estado ng buhay ngayon ng mag-asawa.

Nang magkasunod-sunod ang project ni Yasmien sa pagbabalik niya sa showbiz at nanumbalik ang kanyang pagi­ging lead actress, nagsimula naman sa kanyang career si Rey bilang commercial pilot para sa Cebu Pacific.

Walang dudang masaya si Yasmien sa piling ng kanyang mister lalo’t madalas ang kanilang pagta-travel ‘pag walang taping ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’.

Kung hindi dahil sa kabaitan at pagkakaroon ng malawak na understanding ni Rey, hindi magiging masaya si Yasmien sa kanyang marriage.