Abante Tonite Interactive

Cristine, Nathalie nagsitahan

By
713

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAliw, kuwela at baklang-bakla ang Abay Babes kung saan bida sina Cristine Reyes, Meg Imperial, Nathalie Hart, Roxanne Barcelo at Kylie Verzosa kaya walang dudang more chances of winning ito sa takilya.

Sobrang kuwela sa diva that you love ang confrontation scene nina Reyes at Hart. Mas lalong kuwela ang paandar ni Barcelo, best in malala­king ngipin at gilagid, best in susong dalaga pa ang hitad.

Sa nasabing press payanig, like a virgin touched for the very first time ang arrive niya, in an immaculate white dress pero ang pangabog, may pasilip sa kanyang malulusog na bosom!

Ang diva that you love, sa aming pana­yam, agad-agad, inamin ni Barcelo na, “Dati, I wrote in a book, I even entitled it Waiting for You, iniisa ko lahat ang qualities na gusto ko sa isang lalaki, medyo emotional ako nung binabasa ko siyang muli, ‘yun ang time na pure ang intentions ko na magmahal na ako muli. At the end of the day, I want someone I can be happy with. He must be someone who can bring joy to my life. Gusto ko ‘yung someone who can just compliment with what I already have. Ayoko ‘yung manggugulo. Ayoko ‘yung ilalayo ako sa pamilya ko. Someone who would love what I do and accept me for who I am becoming.”

Ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa? Sagot agad ni Rox, “With me and Will, wala akong masabi kasi until now, I cannot put a finger on it. Sa totoo lang, maliliit na bagay na we just woke up na it is not working anymore. It is not about na may mali sa akin or sa kanya. Meron lang naging iba sa buhay naman, hindi na lang kami magka-sync. Wala akong masabi na nega sa kanya. He is still a great guy, I’ll be happy for him if he finds someone.”

Kasalan na ba dapat ang nangyari sa kanila ni Devaughn? “Oh my god!” bulalas ni Roxanne, tapos inilapat nito ang mukha sa mesa. Biniro ko ito na huwag siyang iiyak. Pagtaas niyang muli sa kanyang mukha, “Ay pinipigilan ko. Pati ‘yung eme ko, ipit na ipit bigla. Walang perfect relationship. ‘Yung sa amin dati, kung may problema tayo, sa atin lang ‘yun, huwag na nating ipaalam sa iba. Dapat ang mga ibang taong in a relationship din, dapat ganun. We managed to make the relationship work for a long time, kasi we kept everything to ourselves, nasa amin lang talaga kung ano ang mga nangyayari. Alam namin ang mga truth. You know, I really like him up until now kasi nga, ‘yung respect for each other hanggang ngayon, meron pa rin.”

Ang biggest take home niya sa Abay Babes, paglalahad ni Barcelo, “We live in a different time. May mga tools na ngayong naggagamit to find love, I love my character here because she did not fear to explore love on line. You know, ako, sobrang busy ako and ang dami ko na rin namang nakilala. Minsan naiisip ko, is love really out there still? I really appreciate this time. Huwag tayong maging judgmental. Bongga na may apps na we can meet, ni hindi muna tumambay sa kung saan-saang kanto o sa kung anong bar.”

Ang prangkang dalaga, ang patuloy, “Pag may kaibigan ka talagang biglang ikakasal, lahat affected, lahat ng hormones mo affected, up and down! ‘Yung iba for the nega lang, ‘yung iba, good talaga ang intentions, they are really looking out for you. Hindi rin naman porke they are nagpapaka-nega, hindi mo na sila friends. Most of the time, they are just being protective.”

Sa mga leading man na kasama nila sa Abay Babes, impressed siya kaya, “Wa eme ito ha, si Tom Rodriguez. Hahahaha. Kasi nga, may pa-drawing habang nag-aantay sa set, may pa-animation. Ang dami niyang magagandang world views.

Bongga ang kanyang mga hanash! For the deep ito, as in deep conversation. Hindi siya ma-small talk, na-appreciate ko naman. Right off the bat, panalo ang idiom, hindi ba, hahahah! Alam ko agad, we can be friends, and at this point, we are friends. Pati siyempre si Carla, bigay pugay, For the mention! Para walang nerbiyos. Saka ang guapo niya talaga!”

Kilig-kiligan talaga si Roxanne Barcelo kay Rodriguez, huh! Panalo naman kasi ang biloy, kisig at tindig!