Abante Tonite Interactive

Cristine nilampaso sina Nathalie, Meg, Roxanne, Kylie

By
1,748

Patalbugan ang cast ng Abay Babes sa kanilang bikini photo na tinatampukan nina Cristine Reyes, Meg Imperial, Roxanne Barcelo, Nathalie Hart at Kylie Verzosa. Kung bikini open ang labanan mapupunta kay Cristine ang title at Best In Swimsuit.

Mapapanood ang video ng kanilang pictorial sa Instagram account na @vivaartistsagency. Mukhang dinaig ni AA (palayaw ni Cristine) ang apat sa kaseksihan. Parang walang anak sa pigura niya.

Kapansin-pansin din na may puson si Meg at pinakamalaman sa kanilang lima. Pero nu’ng makita siya sa presscon ng pelikulang ‘Jacqueline Comes Home (The Chiong Story)’ seksi naman­ siyang tingnan sa suot niya.

Showing na sa July 18 ang ‘Jacquieline Comes Home’ kasama si Donnalyn Bartolome.

‘Walang Papalit’ ng Music Hero mabenta

Gumagawa ng ingay ngayon sa local music scene ang ‘Eat, Bulaga!’ resident pop band na Music Hero dahil sa kanilang debut single na ‘Walang Papalit’.

Inilunsad noong Hunyo sa longest running noontime variety show sa telebisyon, ang nasabing awitin ay tumatalakay sa pag-ibig, kasawian at second­ chances.­

“Ito ay isang relatable­ song dahil lahat naman tayo­ ay nakaranas na magmahal at masaktan. Sa pamamagitan nitong kanta, nais namin ipahatid na there’s always a second chance at love,” sambit ng vocalist ng grupo na si Manly Ocampo.

Si Manly ang itinanghal na ‘ultimate vocal hero’ matapos mag-compete ng siyam na buwan sa ‘Music Hero: The Vocal Battle’ noong nakaraang taon. Kasama niya sa nasabing banda ang walo pang mga talented young musicians na sina Radlee Laquian (acoustic guitar), Fender Dimalanta (electric guitar), Joaquin Rodrigo (drums), Jim Tan and RD Benavides (keyboards), JayR Corre (bass), Brian Feliciano (saxophone) at Dominique Casacop (violin). Ang mga huli ay na feature naman sa first edition ng kompetisyon na umere noong August 2016.

Pagkukwento pa ni Manly tungkol sa kanilang first single, umabot daw sila ng isang buwan bago ma-record ang buong kanta. “Dahil galing kami sa iba’t ibang lugar at magkakaibang background, ilang beses naming pinag-usapan kung anong klaseng musika ang gusto namin na iparinig sa audience.”

Binigyan ng ‘Eat, Bulaga!’ ang grupo ng free rein sa klase ng areglo na nais nila. Tinawag na ‘elite revolutionary band’ ang Music Hero dahil na rin sa iba’t ibang musical instrument na tinutugtog ng bawat miyembro. Nais ng mga itong sundan ang yapak ng hit 90s Filipino pop and R&B group na South Border. Maliban sa makapagbi­gay entertainment sa mga manonood at makikinig, nais din ng Music Hero na makapag-influence sa mga kabataan na i-embrace ang musika sa panahon ng digital age.

Ibinabahagi din ng grupo ang kanilang pasasalamat sa mga taong bumubuo ng ‘Music Hero’ at ‘Eat, Bulaga!’ sa pagbibigay importansiya sa Filipino talents. Ni-reveal din ng Music Hero na kasalukuyan silang nagre-record ng kanilang second single. Ayon sa mga ito, ibang tema at musika naman ang ihahandog nila.

Sa ngayon, ang ‘Walang Papalit’ ay number 1 sa Spotify Philippines’ Viral 50 playlist. Nakasama din ito sa Top 200 songs ng Pop at All Genre categories.