Abante Tonite Interactive

Cristine nilangaw sa sinehan, wagi sa Netflix

661

Dahil sa Pedring Lopez’s “Maria,” ang diva that you love, biglang naging instant fan ni Bb. Cristine Reyes. Bagama’t mahina ito sa mga sinehan nu’ng ipalabas, pero nakakatuwang malaman na sa worldwide web, waging-wagi ang nasabing pelikula.
Si Reyes, feeling surreal at overjoyed kasi ang kanyang bakbakan at power feminine flick, eh itinanghal na pang-apat sa Top 10 Most Watched Non-English Language titles sa Netflix. Palakpakan na may kasamang sigawan para sa pelikula is in order, huh.

Bagong-bago pa lang ito sa Netfix, mid-May lang yata ito streamed sa nasabing digital entertainment site and it landing in the Top 5 is a screaming reality na a Pinoy action movie can really kick butts and attract worldwide audiences.

Ngayong may international nod na ito at tiyak handsomely rewarded ang team ni direk Pedring by the Netflix acquisition, makakaasa na kayo tayo na magkaka-sequel na ito?

Kung sa “Nang Ngumiti Ang Langit,” bida/kontrabida si Cristine, sa “Maria,” siya talaga ang bidang-bida. Kahanga-hanga ang kanyang lakas at talino at husay bilang aktres dahil convinced tayo lahat na she can unleash hell for other people.

Vehnee Saturno binubuyo ang ex ni Daryl Ong

Dahil nga sa kanyang angking ganda at husay sa pagkanta, si Dea Formelliza ay biglang naging the WHO no more, thank you sa kanyang golden ticket sa “Idol Philippines.”

Ang nakakaloka, kaya mas lalong umigting ang estrella nitong si Formelliz­a, siya pala ang bagong iniirog ni Daryl Ong. Ang Mr. Chinito na palaban sa pa-bortahan, malalaki ang braso, parang masarap yumakap, malaki pa ang talent dahil talagang mahusay na cantor, at yes oh yes, sexy with a seductive S ang singer.

At ang mas lalong nakakaloka, ang hindi halatang masyadong papansin ni Hazel Velasco, ex-wife ni Ong na matapos ngang malaman sa singing contest na Dea and Daryl are playing beautiful music together, humanash ito na may dramang bet niya ring sumali sa patimpalak para daw magkaalaman na.

And the plot thickens indeed dahil nga ang manager ni Ong, ang musical composer na si Vehnee Saturno, super gatong. Dapat nga raw sumali si Hazel at ipangalandakan niya na siya ang ex at may eme pa ang nanay ng anak ni Daryl na siya ang “original.”

Ang diva that you love, dalawang bagay ang pinagtataka. Una, saan galing ang claim nitong babaeng kulang sa pansin kaya all of a sudden eh gusto niyang pangalandakan na siya ang “original.” Matagal na silang hiwalay ni Ong.

Ano ito, hindi pa rin pala siya nakaka-move on kaya ngayong may bagong mahal na ang cantor, gusto niyang ipaalam sa lahat na si Daryl ay unang naging kanya? Hiwalay na ang de-kolor at puti niyo tapos kung maka-orihinal ka, wagas, huh!

Ano ba ang taglay na pambihira ni Ong at ngayon parang kabute na bigla kang lumitaw?

Pangalawa, hibang na hibang naman ako kay Saturno. Bilang manager, hindi ba dapat he protects the interest of his ward?

Eh bakit kung makagatong ka sa ex ni Ong, todong-todo talaga?
Parang kinalulugod mo pa ang reaksyon nito at patol kete patol ka pa talaga?

Vehnee, hindi ba dapat ikaw ang unang kakausap “privately” sa ex ni Ong dahil nananahimik na ang alaga mo? Masaya na ito sa kanyang buhay at mukhang hindi naman yata pinababa­yaan ang obligasyon sa kanyang anak kay Hazel, eh bakit ikaw pa ang parang pinagtutulakan ang ex ni Daryl na dapat ang mode niya ngayon eh “hell hath no fury like a woman scorned?”
Iba rin si Vehnee. Mas kinakampihan ang ex kesa sa alaga.

Anyway, importante ring malaman ang side ni Vehnee dahil mas alam niya kung ano ang real score sa sitwasyon ng dating mag-asawa.

After this pagmamaganda ni ex at pambubuyo ni manager, tiyak mas marami ang magiging mausisa kung sino ba itong si Bb. Formelliza.