Abante Tonite Interactive

Cristine pineke ang kamatayan

By
0 230

Kapag hinanap mo ang #MariaMovie online, makikita ang ilang poster images ni Cristine Reyes na may maangas na itsura kasama ang mga ka­tagang: Hero or villain? Lover or fighter? Sinner or saint? Sa ganito tatakbo ang pelikulang “Maria”­ sa ilalim ng direkyon ni Pedring A. Lopez (Direk Pedring).

Ang pelikula ay tungkol sa dating assassin na si Lily. Matapos niyang suwayin ang utos ng kanyang organisasyon, pineke niya ang kanyang kamata­yan. Nagtago siya sa malayong probinsiya kung saan siya nagbagong-buhay sa pangalang, Maria.­ Dito niya nakilala si Bert, isang negosyante na kanyang naging asawa. May anak sila na nagngangalang Mina.

Nagulo ang tahimik na buhay ni Maria nang matunton siya ng mga tauhan ng Black Rose, ang dati niyang organisasyon.

Matinding training ang pinagdaanan ni Cristine Reyes para sa kanyang papel. Sa kanyang Instagram story, pina­kita niya ang mga pasa sa braso at binti na nakuha niya sa isang fight scene. Gayunpaman, walang anumang reklamo ang aktres.

Sa loob ng 15 taon, marami­ nang pelikulang comedy, drama at horror na pinagbidahan si Reyes. Ang “Maria”­ ang kanyang big screen comeback matapos ang “Abay Babes”. Sa isang panayam, sinabi niyang ito ang most challenging thing na ginawa niya sa kanyang kare­ra.

“I guess they figured it would speak to me on many levels – as an actress, as a mother in real life, and as a martial arts enthusiast. And they were correct. I loved the script when I read it,” sambit niya.

Patok ang non-stop action nito na pinamahalaan ni Sonny Sison na siya ring fight choreographer/fight director ng “Maria.”

Pinuri rin ni Sison ang pinakitang galing ni Reyes. Aniya, “From the perspective of a fight choreographer, it is nice to see your lead actress not just commit in doing the moves but also infuses the emotional content. That’s really important where action is concerned…you are really able to emote the feeling of what’s going on in the fight at the same time.”

Lahat ng nakatrabaho ni Reyes sa pelikulang ito ay nagsasabing napahanga sila sa buong-pusong pagganap ng aktres. Bilang pagtatapos, sinabi ni Reyes, “It’s one heck of an action film but also a terrific drama movie about a mother’s love for her child. It’s a movie­ for everyone.”

Kasama rin sa “Maria” sina Ivan Padilla, KC Montero, Guji Lorenzana, Jennifer Lee, Andrea del Rosario, Cindy Miranda, Freddie Webb at Ronnie Lazaro. Palabas na sa Marso 27. Mula sa VIVA Films, BlackOps Studios Asia, at PsyOps.