Abante Tonite Interactive

Cristine umiwas sa hiwalayan isyu

By
1,003

tonite-pak-allan-dionesSa limang girls na bida sa sexy comedy movie ng Viva Films na ‘Abay Babes’ ay ang buntis na si Nathalie Hart ang obvious na in love nga­yon.

Sey ni Nat, very happy siya sa Indian boyfriend niyang si Mayank Sharma and she can’t ask for more.

Si Kylie Versoza ay umamin na may boyfriend na hindi taga-showbiz.

Half-foreigner pala ang boyfie ng Miss International 2016, na ang name ay Michael J. Needham at kasama nitong nanood this year ng Coachella Music Festival.

Si Meg Imperial ay meron ding non-showbiz boyfriend, na ang sabi ni Meg ay it’s complicated sila nito kahapon, pero the next day okey na raw sila.

Ang sabi ng ‘Abay Babes’ director nilang si Don Cuaresma ay dumalaw pa sa set nila ang nobyo ni Meg.

Si Roxanne Barcelo ay nganga ang lovelife ngayon after nilang mag-break ni Will Devaughn.

Pahinga raw muna si Roxie at inaaral niya ang konsepto ng self love. She’s not with anyone, as in super-single daw siya at nae-enjoy naman niya.

Ito raw ang first time na nakakahinga siya nang bongga, na buo ang panahon niya sa trabaho, sa pamilya at sa friends. Bet na bet daw ni Roxie ang freedom na puwede niyang gawin ang kahit na ano.

Si Cristine Reyes na napapabalitang hiwalay na sa mister nitong si Ali Khatabi, ang matipid na sabi ay, “Okey naman po, tahimik naman po ang buhay ko. Maayos naman ang lahat.”

Hindi na nakatsika ng print media si Cristine dahil after ng TV interview nito ay nagpaalam na ang sexy actress dahil may guesting pa raw somewhere.

Ang reaksyon tuloy ng ibang press ay halatang umiiwas si Cristine na mapag-usapan ang tunay na estado nilang mag-asawa.

 

Nathalie nag-tricycle papuntang shooting

 

5 ½ months na ang tiyan ngayon ni Nathalie Hart, na nang gawin ang pelikulang ‘Abay Babes’ ay walang kaalam-alam ang co-stars at director nila na nagdadalantao siya.

Ang paliwanag ni Nathalie, nu’ng time na ‘yon ay ang dami niyang iniisip at saka hindi na raw problema ng mga katrabaho niya ang problema niya. Gusto niya raw kasing i-settle muna lahat bago niya sabihin ang tungkol dito.

Kaya kahapon sa presscon ng ‘Abay Babes’ ay naiiyak daw si Nat sa sinabi ng co-stars niya na sana ay naalalayan siya ng mga ito at mas inunawa siya kung alam lang nilang buntis pala siya habang nagsu-shoo­ting sila.

Pero okey lang daw ‘yon kay Nat dahil strong ang personality niya at mas gusto niya na itrato siya normally ng co-stars niya. At saka nu’ng time na ‘yon ay wala naman daw nagtanong sa kanya kung buntis siya.

Hindi rin daw siya natakot na baka may mangyari sa baby niya dahil wala naman siyang tineyk na gamot at hindi naman siya uminom ng alak.

Every month ay nagpapa-checkup siya sa doktor at wala naman daw problema sa baby niya. Buti na lang hindi maarte ang baby daughter niya.

Aliw ‘yung kuwento ni Nat na nu’ng minsang papunta siya sa shooting ng ‘Abay Babes’ ay nag-Grab lang siya, pero mali ang na-pin niyang location, so ayaw siyang i-drop ng Grab driver.

Ang ginawa niya ay naghanap siya ng tricycle at kinausap niya ‘yung driver na i-drive siya sa highway at maghanap ng maghahatid sa kanya sa set na handa niyang bayaran.

Nahatid naman daw siya pero late siyang nakarating sa set. Buti na lang ay may problema sa set, so kahit late siya ay hindi pa nag-start ang shoot.

Maging sa teleseryeng ‘Blood Sisters’ ay hindi rin alam ng katrabaho ni Nat na preggers siya. As in deadma raw siya kahit nag-aaksyon-aksyon siya doon dahil kung kaya niyang gawin, gagawin niya.

Ang nanay ni Nat ang nagalit sa kanya at sinabing siraulo siya dahil iba ‘yung babaeng may laman ang tiyan sa wala.

Bawal ‘yung nagpupuyat siya at hindi nagpapahinga, pero hindi sinusunod ni Nat ang OB niya at uminom lang siya ng pampakapit ng baby.

Aminado siyang matigas ang ulo niya at ngayon niya lang napagtanto ‘yon na excited mom na siya.

“Ngayon, natakot ako. Sabi ko, siraulo rin pala ako dati? Na-realize ko, hala! Tumatakbo pa ako na umuulan, tapos, nag-slide-slide pa ako!” natatawang bulalas ng Nathalie.

Bago matapos ang September ay pupunta sila ng fiance niya sa India to visit his family. Tapos ay diretso sila ng Australia kung saan manganganak si Nat sa baby niyang si Penelope sa December.

Sa September 19 ang showing ng ‘Abay Babes’ in cinemas nationwide.