Abante Tonite Interactive

Cristine wagas ang ungol kay Xian

1,517

Sa true lang, ibang cinematic experience ang “Untrue,” ni direk Sigrid Andrea Bernardo. Una sa lahat, magugulumihanan kung sino ba ang, kung sino ang sinungaling.

Mapangahas rin ang pelikula dahil grabehan ang cinematic sexual congress nina Cristine Reyes at Xian Lim.

Bondage kung bondage ang kuyang­yangan nina Reyes at Lim. Sa kuwento ni Mara, ang katauhan ni Cristine, siya ang submissive at patalikod siyang niyari.

Sa bersyon naman ni Joachim, ang ginampanan ni Xian, siya ang manipulated at parang gamo-gamo na naakit sa apoy, at sa kama, si Mara ang woman on top na ang pag-ungol niya, wagas na wagas, huh! Para talagang sarap na sarap si Mara na umibabaw at tila basang-basa at namumuwalan ang kanyang pagkababae sa pambihirang palo-palo ni Joachim.
Sobrang twisted rin ang mga katauhan, parehong may saltik sa pag-iisip at pagkatao na talagang sina Cristine at Xian, kinarir ang mga katauhan nila.

Pasado si Lim sa pagiging marumi looking at balbas sarado at kapanipaniwala ang kanyang moments of horniness and lunacy.
Waging-wagi rin si Reyes sa kanyang damsel in distress exterior pero man eater pala at may maiitim na balak.

Sa true lang big revelation sa akin si Rhen Escano. Kung ano at sino siya sa pelikula, iyon ang kaabang-abang. Mahusay siyang umarte at best in pag-ungol ang babaing ito. Siya na talaga ang Millennial Ungol Queen, huh.

Ang “Untrue” is not an easy watch pero dahil sob­rang intriguing ang paglalahad sa mga kaganapan sa kuwento, imposibleng hindi ka maeenganyo na upuan siya at panoorin. Dapat lang, handa kang mabaliw, mamangha, nerbiyosin at mag-isip.

Palabas na ngayong Miyerkoles sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

LizNiel ilusyon ng direktor

Kung noon bulung-bulungan at ideya na masarap pagtambalin sa isang pelikula sina Daniel Padilla at Liza Soberano, ngayon pangmalakasan na ang pagnanasang mangyari ito for real.

Ang may pakana na pagsamahin ang dalawa, walang iba kundi ang “Untrue” director, si Sigrid Andrea Bernardo.

Sa isang panayam, siya mismo ang nagsabi na gusto niyang sumulat ng screenplay at gusto niya ring idirehe sina Padilla at Soberano sa isang pelikulang kakaiba.

Kakaiba meaning balak niyang “baliin” ang mga nakasanayang “imahe” nina Daniel at Liza at panahon na para maipakita at iparamdam sa lahat na there is more to them than being “handsome”, “beautiful”, “predictable” and “safe”.

Juice colored! Nawa’y maging totoo nga ang balak na ito ni direk Sigrid dahil potent kombinasyon talaga ang pagsasamang Padilla at Soberano.

Sa true lang, kung gagawin nila ang isang pelikulang mala-“Deliryo,” ‘yung pinagsamahan dati nina Jomari Yllana at G Toengi, panalong-panalo.

Or any of the confused young woman with a hot bod and sexual appetite roles ni Drew Barrymore dati. Tyak kayang sagpangin ni Liza at si Daniel ang prince niyang ready to make her “clean”, “sober” at “complete” dahil sa kanyang pagmamahal.

Goodluck sa pangarap mong ito direk Sigrid at sigurado, kahit magdabog ang bangs ng mga KathNiel at magwala ang LizQuen fanatic, you already have a potential box office hit. Nawa’y may film production outfit na sumugal.

Umamin! Ellen hiwalay na kay Lloydie

Malaking bagay ba kung unattached na si Ellen Adarna, ang babaeng minsan ay narahuyo at minahal ni John Lloyd Cruz?

Dahil sa IG post niyang “when you’re single and people tell you there are plenty of fish in the sea…” kumpirmadong-kumpirmado na ang dekolor at puti nila ni Lloydie ay hiwalay na. Ang relasyon nila, bakit nga kaya tapos na? Ano ang dahilan?

Marami ang nanalig na si Adarna ang babaeng bubog kay JLC. Simula noong minahal siya nito at sila ay nagsama, nag-sabbatical si Lloydie sa kanyang karera at ang pagiging kabiyak, ama, visual artist at kung ano-ano pang kababalaghan ang ginagawa nito.

May phase pa si Cruz na hindi nag-aahit, parang dehins goli at ayaw makipag-usap lalo na mga entertainment press. Piling-pili ang mga okasyon na dinadaluhan. Marami pa rin ang nakakaalala sa mga bidyo niyang parang malakas na malakas ang kanyang “tripping” na kasama si Ellen.

Para sa karamihan, kaya naging babaeng bubog si Adarna kay John Lloyd ay dahil siya ang sumira sa karera nito at sa “wholesome” image nito. Or is it the other way around? Na siya ng aba talaga ang nagpalaya sa kung sino at ano talaga ang actor kaya for a time, they were like birds of the same feather who flocked together at ‘yun na nga, nagka-baby pa.
Maganda ang feedback sa napipintong pagbabalik ni Lloydie sa showbizlandia.

Ang maikli niyang partisipasyon sa isang MMFF movie, pinalakpakan. Ang script reading nila ni Bea Alonzo, pinag-usapan at kinakiligan. At marami ang mausisa na kung maikli ba o panmalakasan na naman ang haba ng Lav Diaz movie na pinagbibidahan niya, ang “Servando Magdamag”. Eh kay Ellen Adarna, may excited ba sa kanyang pagbabalik kung babalik man siya sa showbiz? Look na lang muna ako sa sky sabay inat at hikab.