Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Cross ownership’ bill sa power sector ikakasa ng Bayan Muna

0 71

Pinag-aaralan na ni House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang paghahain ng ‘bill’ para sa pagba-’ban’ ng ‘cross-ownership’ sa pagitan ng distribution utilities (DUs) at power generation companies (gencos), upang pigilan ang ‘anti-consumer self-dealing transactions’ sa mga kompanyang ito.

“This amendment to ban cross-ownership between DUs and gencos is now becoming a must in the meantime that the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) is not yet fully repealed,” ayon kay Rep. Zarate.

Ito ang ginawang pahayag ng kongresista makaraang utusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na ipa-refund ang P1.4 bilyong sobra ng koleksyon sa transmission charge, systems loss charge, lifeline subsidy at senior citizen subsidy.

Subalit aniya, ang “victory for consumers is a phyrric one” nang payagan din ng ERC ang pagbawi sa mga konsyumer ng halagang P2.38 bilyon na sinasabing ‘undercollected generation charges’ ng Meralco.

“These types of bigay-bawi schemes are what we are trying to prevent especially since we are still investigating the billions of overcharging of Meralco in the past years. Sa halip na makaluwag ang consumers ay lalo pang masisingil ng mahal dahil kalakhan naman ng generation companies ngayon ay may parte o buong pag-aari ng Meralco at iba pang DUs,” anang Deputy Minority leader.

Ang akyson ng Bayan Muna dahil sa patuloy na pagtatangka ng Meralcoi upang ipasadya ang paparating na ‘bidding’ ng ‘power supply’ pabor sa kanilang kontrobersyal na subsidiary Atimonan One Energy Inc., ang genco na nagtatayo ng 1,200-megawatt power plant sa lalawigan ng Quezon.

“The Department of Energy’s (DOE) competitive selection process (CSP), which supposedly provides rules to protect consumers during power supply auctions, is proving useless in stopping the dubious customization of Meralco’s power supply bidding rules,” ayon pa sa solon.

SM food to go Banner Ad

“Meralco will take advantage of CSP’s corruption to exclude from the Meralco bidding those cheap power supplies from brownfield or existing power plants, thereby clearing the way for awarding a power supply agreement (PSA) to Meralco itself via Atimonan One. In short, the upcoming bidding under the fake and subverted CSP, will only legitimize the evils of Meralco’s self-dealing,” giit pa nito.

“Only a ban on cross ownership can now save Meralco customers from higher rates that Atimonan One will submit – and Meralco will surely accept — during the sham Meralco bidding in January 2021,” dagdag pa ng solon.

Noong 2016, tinangka ng Meralco na i-award sa Atimonan One ang 1,200-MW power supply agreement (PSA) na nadiskubre sa Congressional inquiry na naglalaman ng mga ‘term’ na mabigat o pabigat sa mga konsyumer.

Ang PSA, kasama ng anim na kontrobersyal na ‘supply contracts’ kung saan ini-award ng Meralco sa affiliated gencos, ay ipinawalang bisa ng Supreme Court noong May 2019 dahil sa pagbalewala nito sa regulasyon ng CSP.

“Notwithstanding the SC setback, Meralco continues to hatch schemes to award a PSA to Atimonan One, this time, with help from a corrupted CSP,” babala ni Zarate.

Sa 2015 DOE circular, na inilunsad ng CSP, itinakda na ang ikatlong partido ang kikilalanin ng DOE na siyang mangangasiwa para sa proseso ng ‘bidding’ bases sa ilalim ng polisiya.

“By the term, ‘third party,’ the original CSP clearly wanted an independent body to conduct the CSP for the DUs. But in 2018, the DOE released a new CSP circular, wherein the requirement for a third-party auctioneer has become optional,” ani Zarate

“It is these kinds of schemes that we we are trying to prevent and we hope that the DOE and the ERC are one with us in this endeavor because the consumers are the ones who are at the losing end,” paliwanag pa ng House Minority Leader.

Leave A Reply

Your email address will not be published.