Abante Tonite Interactive

Cruz biningwit ang Marlins

0 81

Humarabas si ex-pro Mark Cruz ng 13 points, 11 assists at 4 rebounds upang tambakan ng Pampanga Giant Laners ADG Group of Companies ang SOCCSKSARGEN Marlins Armor On, 115-71, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Martes nang hapon s sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Nakatuwang niya sina Wilson ­Baltazar, Levi Hernandez, Michael Juico at Dan Irvin Alberto na mga kumislap ng 15, 14, 1t at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa ikatlong deretsong ragasa, ­umangat ang mga Kapampangan sa 13-7 at masolo ang Group A North ­Division fourth spot,
Salto pa rin ang game-high 20 pts. ni Jorem Morada para sana sa ­pampa-morale boost ng koponang ­posibleng ma-ban sa liga sa ­pagkasangkot umano sa game-fixing at ikagulong nito sa ika-19 na dikit na tilapon.

Ang iskor:
Pampanga 115 – Baltazar 15, Hernandez 14, Cruz 13, Juico 12, Alberto 10, Concepcion 9, Maiquez 7, Gomez 7, Binuya 7, Acuno 5, Fabian 5, Thompson 4, Enriquez 4, Cervantes 3.

SOCCSKSARGEN 71 – Morada 20, Demapiles 14, Llagas 12, Timon 6, Cabanog 5, Orera 4, Estrellante 4, Trinidad 2. (Aivan Episcope)