Abante Tonite Interactive

Cruz kasangga na ng KaTropa

2,294

STANDINGS

TEAMS            W L

SMB                6 3

Magnolia        6 3

Alaska              6 3

Rain or Shine  5 3

Talk ‘N Text     4 3

NLEX                 5 4

Ginebra            5 4

Phoenix           4 4

TNT                  4 5                             

GlobalPort      3 4

Blackwater     3 5

Meralco          2 6

KIA                  1 7

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Phoenix vs Meralco

7:00 p.m. – TNT vs GlbalPort

Nakipag-trade na ang Rain or Shine sa Talk N Text KaTropa.

At natupad na rin ang hiling ni Jericho Cruz na makasama ang kanyang dating coach na si Yeng Guiao sa iisang kampo, hindi nga lang sa parehong koponan.

Ipinagpalit ng Rain or Shine ang apat na taong manlalaro sa TNT KaTropa para kay Sidney Onwubere na nai-draft ng Phoenix na pang walong pick sa unang round at ito’y kilala sa larangan ng collegiate basketball, kasamang kapalit ang magiging number one pick ng KaTropa sa 2018 PBA draft pick.

Kinumpirma ni RoS coach Caloy Garcia ang nangyaring kalakalan kahapon, ang parehong koponan ay nagkaayos na sa nasabing palitan. Hinihintay na lang ang pag-apruba ng PBA Boards.

Ang paglipat ni Cruz ay nangangahulugan na kasapi na siya sa MVP Group na kinabibilangan ng kanyang dating coach na nagmamando ng isang koponan din ni Pangilinan, ang NLEX.

Si Cruz ninth overall pick ng Elasto Painters noong 2014 PBA draft at nakakuha ng parangal na Most Improved Player at Mr. Quality Minutes noong 2016 matapos tulungan sa kampeonato ang RoS sa Commissioner’s Cup.

Ang 27-anyos na guwardya ay mayroong average na 2 points, 1.7 assists, at 1.3 rebounds sa kasalukuyang konperensya pagkatapos makabalik galing sa foot injury.(Christian Cortez)