Abante Tonite Interactive

Cruz nagpaandar, NLEX sinagasaan ang Meralco

378

Nagmaneho si Jericho Cruz ng 16 points, 6 rebounds at 3 assists upang pangunahan ang NLEX na bundulin ang Meralco via 100-91 victory sa 44th Philippine Basketbal Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations Miyerkoles nang gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

May steal pa sa 27mins. at 30secs. job niya off-the-bench ang bagong lipat sa NLEX na guard mula TNT Ka-Tropa para patirin ng Road Warriors ang anim ba angungot sa pitong laro at makaentra sa win-column.

Nagtala si NLEX import Tony Mitchell ng 32 puntos, 20 rebounds, 4 assist at isang block para hatakin pababa ang Bolts sa 3-5 sa standings ng midseason confe-rence.

Abante Hiring – IT dep

Huling inilapit ni Nino Canaleta ang Bolts sa naipasok na tres sa 2:47 minuto ng ikaapat na yugto matapos maghabol ng kabuuang 23 puntos na pagkaiwan tungo sa 90-95.

Gayunman, m­uling ibinalik ni Mitchell ang Road Warriors sa walong puntos na kalamangan sa kanyang 3-point play upang tuluyang itulak ang NLEX sa unang panalo. (Lito Oredo)