Abante Tonite Interactive

Cruz umiskor sa dibdib ni Queen P

1,194

Iba ang napansin ng mga netizen sa pagpapa-picture ni Blackwater forward Carl Bryan Cruz kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Sa Instagram post ni Cruz kahapon, nakangisi ito, sobrang saya at tila iniinggit ang mga kabarong barako sa nakadaupang- palad at nakapagandang 30-anyos at may taas na 5’8 na dalaga.

Habang ang iba namang mga netizen ay napa-comment sa kanilang napansin sa larawan.

“Ung siko dre,” pang-iintriga ni @vince_insy.
Pangngantiyaw naman ni @ab.aboo: “Dikit…”

“Iba ang beshie ko parang ikaw pa ilag sa picture jan ha hahahaha,” ani e.j_chris_shop.

Hirit ni migsgomez18: “Yun o! Cute na cute but careful na careful!

Pero hindi napikon ang Phili­p-pine Basketball Association star at dating Gilas Pilipinas player. Ilan sa mga tugon niya ay puro malulutong lang na halakhak.

Papasok sa panlima niyang taon sa pro league ang 28 taong gulang, 6-foot-4 forward na bago napadpad sa Elite ay naglaro muna sa Alaska Milk noong 2016-2019. (Raymark Patriarca)

Tonite – Wendys Inhouse Ad