Abante Tonite Interactive

CSB binutata ang JRU, lider pa sa ‘NC’ chess

162

Blinangka ng College of Saint Benilde ang Jose Rizal University, 4-0, para sa 23.5 total points at kongkretuhin ang ang top spot sa seniors division ng 95th National Collegiate Athletic Association chess tournament nitong Sabado sa San Beda University, San Miguel, Manila.

Kipkip ng SBU Red Lions ang ikalawang puwesto ang San Beda sa pag-ungos sa University of Perpetual Help, 2.5-1.5, at pagtagpas sa Colegio de San Juan de Letran, 3-1, pa-22 pts.

Baba sa ikatlo ang UPH Altas sa 16.5 markers na natablahan, 2-2, ng Arellano University.

Nanatili ring nasa itaas ang junior titleholder Perpetual tapos ng 8 rounds ng torneo sa likom ng 25.5 markers nang makaalpas sa San Beda, 2.5-1.5, at manalo sa Arellano, 3-1.

Bumawi ang JRU Junior Red Woodpushers mula sa talo sa UPH Junior Altas, sa pagputol sa CSJL Squires, 3-1, at kumapit sa second spot sa 23.5, habang akyat ang LPU sa ikatlong puwesto sa 22.5 puntos nang itarak ang 3-1 win sa Letran. (Aivan U. Episcope)