Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CSC chair todo tanggi sa alegasyon ni Lizada

0 225

Mariing itinanggi ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Alicia dela Rosa-Bala ang alegasyon laban sa kanya ni CSC Commissioner Aileen Lizada na ipinag-utos umano niya na huwag maglabas ng impormasyong may kinalaman sa kaso ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa anumang uri ng imbestigasyon.

Inihayag ito ni Bala sa kanyang pagharap sa joint hearing ng House committee on public accounts at good government and public accountability kaugnay sa mga katiwalian sa PhilHealth.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paglilinaw pa ni Bala, wala umanong kasong may kinalaman sa korapsyon ang hinawakan ng CSC na kinasasangkutan ng mga opisyal ng PhilHealth sa halip ito’y pawang ‘administrative in nature’ lamang.

Hindi naman na itinuloy ang pagpapalabas ng video ng umano’y Zoom meeting ng CSC kung saan dito sinasabing injutos ni Bala ang hindi paglalabas ng impormasyon sa kaso ng PhilHealth. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.